Sabwatan Para Mapatalsik Si Duterte Ibinunyag Ng NDF!

May nilulutong plano ang ilang miyembro ng militar, mga mayayamang grupo kasama na ang US government para mapatalsik sa pwesto si Pangulon...

A+ A-
May nilulutong plano ang ilang miyembro ng militar, mga mayayamang grupo kasama na ang US government para mapatalsik sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ibinunyag ng mga National democratic Front consultants na Benito at Wilma Tiamzon sa isang forum.

Ayon sa mag-asawang Tiamzon maging ang peace talks sa rebeldeng komunista ay gustong idiskaril ng nasabing grupo..

Dagdag pa ni Benito Tiamzon, kahit noong hindi pa pormal na nauupo si Pangulong Duterte ay may mga kinatawan na ng gobyerno ng Amerika ang nagnanais na harangin ang anumang impluwensya ng makakaliwang grupo sa kasalukuyang administrasyon.

Katunayan mayroon anilang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang nangangampanya laban sa peace talks.

“Because of this situation, we are hopeful yet vigilant for sudden twists that might occur due to intensified friction between the political factions,” ani Benito.

Ang mag-asawang Tiamzon ay nahaharap sa kasong multiple murder at pansamantalang nakalalaya para sa resumption ng peace negotiation kung saan kasama sila sa mga consultants ng NDF.

[Source: dyaryo]


Visit and follow our website: Pinoy Tribune

© Pinoy Tribune

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoytribune.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.

Loading...

Related

News 5702379477754271298

Post a Comment

Loading...

Recent

item