5-taong gulang na batang babae, ginahasa at brutal na pinatay; suspek lango umano sa droga

MAYNILA, Pilipinas – Naghihinagpis at hustisya ang sigaw ngayon ng isang ginang sa South Cotabato matapos gahasain ang kaniyang anak at br...

A+ A-
MAYNILA, Pilipinas – Naghihinagpis at hustisya ang sigaw ngayon ng isang ginang sa South Cotabato matapos gahasain ang kaniyang anak at brutal pang pinatay ito bago iniwan sa isang bakanteng lote.

Nakilala ang biktima na si Mutya Arencio, 5-taong gulang at nakatira sa Barangay Palkan sa bayan ng Polomolok kasama ang kaniyang ina at mga kapatid.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, nagtamo ng 12 saksak sa dibdib, leeg at katawan ang biktima at hiniwa pa ang tiyan nito, sanhi para lumabas ang bituka. Wala na ring damit ang kawawang bata kaya malaki ang paniniwala ng pulisya na ginahasa muna ito bago pinatay.

Lumalabas sa imbestigasyon na minsan ay walang kasama sa bahay ang biktima maliban sa kaniyang mga kapatid dahil nagtatrabaho sa gabi ang kanilang ina.

Nitong Huwebes bandang alas-11 ng gabi, natutulog umano ang magkakapatid sa isang kuwarto. Nang maalimpungatan umano ang isang kapatid na babae, napansing wala na sa kanilang tabi ang biktima kaya humingi kaagad ito ng tulong sa mga kapitbahay at barangay.

Natunton ng mga tanod ang yapak ng paa mula sa bahay hanggang sa isang bakanteng lote mga 150 metro ang layo. Dito na natagpuan ang duguan at walang buhay na bata.

Agad namang nahuli ang suspek na si Benjamin Balasabas Jr., 29-anyos. Itinanggi pa ng lalaki ang krimen at sinabing ang dugong natagpuan sa kaniyang damit ay mula umano sa inihaw niyang kalapati.

Hindi naman makapaniwala ang ina ng biktima na si Jen Arencio. Sa sobrang galit nito ay hiniling na bitayin ang suspek bilang kabayaran sa karumal-dumal na ginawa nito sa kaniyang anak.

Pinaniniwalaang lango umano sa droga ang suspek nang gawin nito ang krimen.

Kasalukuyan nang nakapiit sa kulungan si Balasabas at sasampahan na ng kasong rape with homicide.

Source:


Visit and follow our website: Pinoy Tribune

© Pinoy Tribune

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoytribune.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.

Loading...

Post a Comment

Loading...

Recent

item