Erwin Tulfo Resigns From News5 Aksyon

Sa primetime news program ng TV5, kapansin-pansin ang halos isang buwan nang hindi napapanood sa Aksyon ang matapang na broadcaster na si...

A+ A-

Sa primetime news program ng TV5, kapansin-pansin ang halos isang buwan nang hindi napapanood sa Aksyon ang matapang na broadcaster na si Erwin Tulfo.

Tanging ang main anchor ng newscast na si Luchi Cruz-Valdes ang napapanood dito gabi-gabi.

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hanggang Hunyo na lamang daw mananatili si Erwin sa TV5 dahil lilipat na raw ito sa ibang network.

Ayon naman sa iba ay nag-leave lang ang broadcaters, pero nauwi raw ito sa tuluyan niyang pare-resign.

Halos dalawang taon na si Erwin bilang co-anchor ni Luchi sa Aksyon.

Ngunit malinaw na nananatili parin ito sa kanyang programa sa Radyo Singko na Punto Asintado tuwing umaga.

May ilang impormante pa ang nagsabi sa PEP na ikinasama umano ng loob ni Erwin ang pagkakatanggal ng kanyang crew nang magkaroon ng downsizing sa News department ng TV5.

Ilang cameramen at assistant cameramen ang tinanggal o kaya ay nag-avail ng early retirement.

Ayon pa sa isang source, ito raw ang dahilan kung bakit hindi na nag-renew ng kanyang kontrata sa Aksyon si Erwin.

Sa pamamagitan ng text, hiningan namin ng pahayag si Erwin ukol dito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa ito tumutugon sa amin.

Humingi na rin ang PEP ng statement mula sa TV5 management, ngunit hindi pa rin sila nagbibigay ng pahayag habang isinusulat ang artikulong ito.

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang maging pahayag nina Erwin at TV5 tungkol sa ulat na ito.


Source:  PEP


Visit and follow our website: Pinoy Tribune

© Pinoy Tribune

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoytribune.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.

Loading...

Related

News 8541395377645799569

Post a Comment

Loading...

Recent

item