LOOK: ILANG MINORITY SENATORS BINISITA SI SENADORA DE LIMA

Bumisita kay Senador Leila de lima ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa Minority Bloc sa Senado. Kasama ni Liberal Party President Franc...

A+ A-
Bumisita kay Senador Leila de lima ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa Minority Bloc sa Senado.

Kasama ni Liberal Party President Francis Pangilinan si Senador Risa Hontiveros na bumisita kay De Lima sa kanyang detention cell sa Camp Crame.

Maliban sa normal na pangungumusta, layon nina Pangilinan na makuha ang posisyon ni De Lima sa iba’t ibang issues at sa mga panukalang batas na nakahain sa Senado bilang miyembro ng minorya.

Bukas, Mayo 2 ang pagbabalik ng sesyon ng Senado matapos ang kanilang Holy Week break.

Senate deliberations
Nais ni Senador Leila de Lima na aktibo pa ring makalahok sa mga deliberasyon ng Senado kahit na nakakulong sa PNP detention facility sa Camp Crame.

Ayon kay De Lima, mayroon syang obligasyon na dapat gampanan sa mahigit labing apat (14) na milyong Pilipino na bumoto sa kanya bilang senador.

Sinabi ni De Lima na pinag-aaralan na ng kanyang mga abogado ang mga legal options kung paano sya makakalahok sa mga deliberastyon sa Senado kahit sa pamamagitan ng remote o electronic means.

Bukod anya sa kanyang mga karapatan bilang halal na senador, ipinaglalaban rin ni De Lima ang kanyang karapatan bilang political prisoner.

Noon anyang 1950 ay pinayagang makapagpiyansa si Senador Justiniano Montano para magampanan ang kanyang tungkulin bilang senador kahit pa non-bailable ang kanyang kasong multiple murder.

Samantala, sa pamamagitan naman ng teleconferencing ay pinayagan noon ng Aquino administration si Senador Antonio Trillanes na makalahok sa mga deliberasyon sa Senado.

Sa kabila ng pagkakakulong ay nagpapatuloy si De Lima sa paghahain ng kanyang mga panukalang batas.

Kaugnay nito, tututulan ng prosekusyon ang kahilingan ni Senador Leila de Lima na makalahok sa deliberasyon ng Senado kahit nakakulong sa Camp Crame.

Ayon sa prosekusyon, maituturing na special treatment sakaling payagan si De Lima na gumamit ng electronic gadgets para makalahok sa sesyon ng Senado.

Nagpahayag ng pangamba ang prosecution na humirit rin ang ibang bilanggo na payagan silang makagamit ng electronic gadgets.

By  Len Aguirre


Visit and follow our website: Pinoy Tribune

© Pinoy Tribune

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoytribune.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.

Loading...

Post a Comment

Loading...

Recent

item