CHR NANINDIGAN NA ILIGAL ANG WARRANTLESS ARREST KASUNOD NG MARTIAL LAW SA MINDANAO

Nanindigan ang CHR o Commission on Human Rights na iligal ang warrantless arrest kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mar...

A+ A-
Nanindigan ang CHR o Commission on Human Rights na iligal ang warrantless arrest kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na martial law sa Mindanao.

Ginawa ng CHR ang naturang pahayag makaraang sabihin ng pangulo na maaaring mag-aresto ang mga awtoridad nang walang arrest warrant at maghalughog ng mga bahay sa ilalabas na arrest search and seizure order na pirmado ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año.

Ayon sa CHR, ipinagbabawal ang naging kautusan ng pangulo sa 1987 constitution dahil mayroong lehislatura at sinusunod na protocol kaugnay nito upang masigurong hindi na mauulit ang umano’y pang-aabuso noong martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Tinukoy din ng CHR ang nakapaloob sa ilalim ng section 5, Rule 113 ng rules of court na hindi maaaring humuli o dumakip nang walang arrest warrant kahit nasa ilalim ng batas militar ang isang bansa.

Maaari lang anilang gawin ito kung nasaksihan mismo ng awtoridad ang krimen at kung isang takas na bilanggo batay sa rules on criminal procedure.


Visit and follow our website: Pinoy Tribune

© Pinoy Tribune

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoytribune.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.

Loading...

Post a Comment

Loading...

Recent

item