WOw ha? Trillanes sinabi na May diperensya sa pag-iisip si Duterte

Diyan mo makikita na may diperensiya talaga sa pag-iisip si Duterte”. Ito ang reaksyon ni Sen. Antonio Trillanes IV sa pagbibiro ni Pan...

A+ A-

Diyan mo makikita na may diperensiya talaga sa pag-iisip si Duterte”.

Ito ang reaksyon ni Sen. Antonio Trillanes IV sa pagbibiro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo sa Mindanao nitong Biyernes na kahit manggahasa sila ay sasagutin sila ng pangulo.

“Alam n’yo yung mga ordinaryong tao yung mga lalaki, ‘yung mga nakatambay sa kanto, hindi pinagbibiruan ang rape. Yung may mga diperensiya sa pag-iisip ‘yun ang nagsasabi niyan eh. Napakamanyak mo sigurong mag-isip pagka ganyan,” patutsada ni Trillanes sa panayam ng DzBB.

Bilang commander in chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabihan aniya dapat ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na huwag gagawa ng kalokohan sa ilalim ng martial law sa Mindanao.

“Unang-unang presidente ka ng pilipinas, commander in chief ka kausap mo yung mga sundalo na imbes na sinasabihan mo na ‘o magmamartial law tayo pero tayo ay disiplinado, tayo ay professional hindi natin aabusuhin yung karapatan ng mga mamayan’. Iyon ang dapat niyang ibibigay. Dapat sabihin niya pag may nag-abuso sa inyo mananagot kayosa akin. Dapat ganun eh pero baligtad,” himutok pa ng senador na dating nagserbisyo sa Philippine Navy.

Nanawagan si Trillanes sa mga sundalo na huwag maniwala sa sinabi ng Pangulo na sasasagutin ang anumang pagkakasala sa ilalim ng martial law, dahil ang mga pulis na gumawa ng kalokohan ay pinabayaan lamang ng Pangulo.

“Sana yung mga sundalo huwag magpabola. Kasi yung ibang pulis nagpabola komo sasagutin daw sila. Sana huwag magkamaling sumunod yung AFP sa pang-eenganyo ni duterte,” giit ng senador.


Visit and follow our website: Pinoy Tribune

© Pinoy Tribune

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoytribune.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.

Loading...

Post a Comment

Loading...

Recent

item