REVEALED: Bagay na Nilunok ni Vice Mayor Parojinog sa Raid, Nalaman na!

Mariing itinanggi ni Atty. Ferdinand Topacio na iligal na droga ang pilit na itinatago ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog...

A+ A-


Mariing itinanggi ni Atty. Ferdinand Topacio na iligal na droga ang pilit na itinatago ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog mula sa mga pulis sa isang cell phone video na kumalat na rin sa social media.

Giit ni Topacio, ang shabu ay water soluble kaya kung nilunok ito ng kaniyang kliyente, posibleng nangisay na ito agad dahil sa dami nito sakali mang ito ay iligal na droga.

Sa video kasi na nakuhanan sa raid sa bahay ni Parojinog kung saan umano nasabat ng mga pulis ang mga iligal na droga, nakita ang bise alkalde na may hawak na pilit itinatago sa kaniyang kamay at mayroon pang mistulang isinubo o nilunok niya.

Gayunman, hindi na sinabi ni Topacio kung ano ang bagay na itinago ni Parojinog, pero tiniyak niyang ibubunyag niya ito oras na may isampa nang kaso laban sa kaniyang kliyente kaugnay nito.



Visit and follow our website: Pinoy Tribune

© Pinoy Tribune

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoytribune.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.

Loading...

Post a Comment

Loading...

Recent

item